Expat Life in Dubai

inlab

January 4, 2009

mahal daw niya ko. weehhhh…. aruuuuu josko! kinilig naman ako. pramis nung nabasa ko yung email niya ay pinaulit ulit kong basahin at dahil baka namamalikmata lang ako.

gento kasi yan, nung una email sya sakin na miss daw niya ako. ayus na ayus na yun eh. kinilig nako dun eh. tapos after a few days and few emails ay biglang ang closing salutation niya ay “love yah!” – hindi pa ako medyo kinilig dun. pero medyo nagpalpitate na ang puso ko. so nagpacute pa ko ng konti… tanong ko kung yun ba ang usong closing salutation sa letters ngayon? tapos ang sagot niya ay sa palagay daw niya ay inlababo na talaga siya sakin. aw! inlababo daw???? dun na ako kinilig ng bonggang bongga.

pero baket ganun? baket kahit sinabi niya sakin yun ay parang nagdadalawang isip pa din ako? oo, siyempre kinilig ako. pero hindi pa din maalis sa isip ko na baka pinagtitripan lang niya ako. heeeeeeeeeeenako.

tapos nagemail ulet siya ng explanation niya kung pano niya nasabi na inlababo siya sakin. shet para talaga akong highschool. kulang na lang ay sina donessa sa tabi ko habang nagtitili sa kilig habang paulit ulit naming binabasa ang letter niya. ahahaha. sabi niya ay (tatagulin ko dahil nagbabasa ng blog ko yun) masaya daw siya pag kasama niya ako, lukaret daw kasi ako at may sariling desisyon. mabait daw ako at higit sa lahat ay maganda. weh! dagdag ko na lang yung last part. hindi ko alam kung pano itranslate sa tagalog yung sinend niyang email na hindi duduguin ang ilong ko. di ko naman pwedeng icopy paste dito dahil mababasa niya for sure. kaya makuntento na kayo pag sinabi kong kakilig kilig ang letter niya. ahihi.

basta! hindi muna ako magboblog tungkol sa gaza. sa ngayon ay magiging selfish muna ako dahil mahal ako ng isang tao…. ayiiiiiiiiiiiiii.

eh pero… bagamat kilig to the max ako… parang hindi pa din kumpleto. parang may kulang…. ewan! abangan na lang ang susunod na kabanata.

eh ang tanong, sino ang inlababo?????? ahehehehehe.

You Might Also Like

No Comments

Leave a Reply

CommentLuv badge

%d bloggers like this: