Random Musings

Ilusyonada!

December 21, 2008

Ilusyonada!Eto na nga ang kagimbal gimbal na kaganapan sa mga nakaraang 3 oras na nilagi ko dito sa opisina. Nakatanggap ako ng isang mensahe galing kay cowboy. tinatanong niya kung anong mobile number ko dito sa dubai dahil nabura niya ang details ng phone niya at eto ang kagilagilalas (hindi ko alam ang ibig sabihin ng kagilgilalas, feel ko lang gamitin siya at feeling ko ay naangkop siya bilang isang adjective sa nararamdaman ko ngayon) na parte ng mensahe niya. niyayaya niya ako mag-move sa bansa niya at dun na mamuhay.

wow! soshal! parang sinabi lang niya na bumili ka ng popcorn sa may kanto. parang ganun lang kadali di ba? ang sarap niyang ingudngod sa putikan na may tae ng kalabaw. kainis!

eh feeling ko ay hindi na babalik ang kumag dito sa dubai. sabi ko na nga ba may jinx ‘tong si cowboy eh. at eto na nga ang jinx. kung kelan naman nakahanap na ako ng lalakeng magmamahal sakin ng tunay at wagas eh hindi ko naman siya maaring makasama sa dubai. weh! ilusyonada amputah!

anyway, kainis lang. kasi kelangan talaga may ganung eksena eh di ba? yung tipo bang, eto na eh. nakahain na sa harap mo eh. iniintay mo na lang ang tubig bago ka magpakasaya sa bonggang bonggang piyestang nasa harap mo, binawi pa ng waiter dahil hindi pala para sayo yung order na yun. tapos pinalitan ng isang slice ng pizza na mabibitin ka lang sa pagkain nun, dahil isang slice lang eh, tapos wala pang hot sauce. kabadtrip kaya yun.

sabi ni mareng eh in-denial daw ako. kasi pinagtatanggol ko ang kumag at in his defense ay sinasabi ko na – he’s got an honest intention nung tinanong niya sakin kung papayag akong mag-move sa bansa niya at iwanan ang pinundar ko (kung meron man) dito sa dubai. sabi ni mareng eh napaka-selfish naman daw niya para isipin na kaya kong iwanan ang career (kung matatawag mo bang career ito) ko dito sa dubai para lang sa kanya at mag-start all over again. at napakatanga din niya na ioffer niya sakin yun na para bang ganung kadali ang proseso ng paglipat sa bansa niya.

in all fairness, meron namang tuldok (point) si mareng. pero…… ang sakin lang, at least nag-offer ang kumag di ba? kahit ba sabihin nating hindi sincere ang offer niya, at least nagoffer siya. end of discussion.

na kahit sa pagkakaoffer niya ay ginawa niyang parang ganung kadali lang ang paglipat sa bansa niya na para bang bibili ka lang ng popcorn sa kanto which in reality ay ang pinapagawa niya sayo ay kasing hirap ng paghanap kay santa claus sa amazon forrest. (haller????? nasa north pole kaya si santa!!!!) alam ko na sa ilalim ng kaibuturan ng kanyang puso na hindi marurok ng kung sino man, alam ko na sincere siya sa pagkakatanong nito sakin. baket? dahil wala lang, feel ko lang maging positive.

ilusyonada na nga yata ako.

anyway highway, isang malamig na pasko at bagong taon na naman para sakin. hahayyyyyyyyyyy…..

You Might Also Like

No Comments

Leave a Reply

CommentLuv badge

%d bloggers like this: