Being a Travel Agent

ibang klase

February 23, 2009

So kanina ay may nagwawalang pasahero sa opisina namin. As in minumura niya kaming lahat pati na ang kumpanya namin. Galit na galit siya at halos basagin ang lahat ng pwedeng basagin sa loob ng opisina. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa kanya.
Ganito kasi ang istorya –
Nagpabook kasi siya ng flight papuntang Beirut with Jazeera Airways, ang sikat na sikat na budget carrier na based sa Kuwait. Anyway, lahat ng ticket ng airline na yun ay nonrefundable. Kaya before kami magissue ng ticket ay lagi naming ini-stress sa pasahero na nonrefundable siya once na maissue ang ticket dahil hindi din pwede ang magvoid ng ticket with this airline. So anyway, kanina ang flight niya. At dahil malelate na siya at feeling niya ay hindi niya aabutin ang flight kung pupunta siya ng Terminal 1 kung san lumilipad at lumalapag ang flight ng Jazeera ay nagdecide siyang pumunta na lang sa Terminal 2 dahil mas malapit yun sa bahay nila. Bonggang bongga di ba? Ano kayang espiritu ang sumapi sa kanya at naisipan niyang gawin ang mga hindi nararapat gawin? Eto ang mga naisip kong pwede niyang gawin sa Terminal 2 kaya siya nagdecide na pumunta na lang dun instead sa Terminal 1:
1. Paparahin niya ang eroplano pag nakita niyang dumaan sa runway ng Terminal 2.

2. Magpapasundo siya sa eroplano sa Terminal 2. (carlift????)

So siyempre nung dumating siya ng Terminal 2 ay wala namang Jazeera Airways flight dun at sinabihan siya na naliligaw siya dahil nasa Terminal 1 ang Jazeera. So nag-start na din siyang magwala sa airport pa lang. Eh wala namang magawa ang mga tao sa Terminal 2 dahil WALA NGA DUN ANG JAZEERA!!!!!! So si tanga eh pumunta sa Terminal 1 just to know na naiwan na siya ng flight niya. Eh non-refundable ang ticket at magbabayad siya ng 600dirhams more kung ipapachange niya for the next flight ang ticket nya na ayaw naman niyang bayaran dahil ang roundtrip ticket na nabili niya ay AED520 lang. haha. So sugod na siya ngayon sa opisina namin.

Eh hindi ko talaga alam kung baket bigla niyang naisip na baka pwedeng sa Terminal 2 na lang siya pumunta kasi mas malapit yun sa bahay niya. Ibang klase ang katangahan niya pramis!!!!! Bonggang bongga talaga!!!! At eto pa, siya pa ang galit na galit na sumugod samin sa opisina at nagmamagaling at nagmamataas. WOW!!!!!!!!! Hanep ka chang!!!!!
Minura mura niya ang officemate ko at hindi naman tinotolerate ng kumpanya ang mga pasaherong abusive kaya kung ganun ang pasahero namin ay pinapaalis talaga namin o kaya naman ay pinapahuli sa security. Wala kaming panahon na makipag-deal sa taong mumuramurahin lang kami at lalong lalo nang wala kaming panahon sa mga taong tanga. Hehehehe. Pasensya pero kung hindi siya tanga eh sabihin niyo sakin kung ano ang mas magandang itawag sa kanya.
Sinong tao ang nasa matinong pagiisip ang gagawa nito di ba? So nung nagsimula na siyang magmumura mura sa harap namin at minura niya kami isa isa pati na ang kumpanya namin ay naging agresibo na din kami. Kinuyog namin siya at sinaksak ng makasampung beses gamit ang aming mga ballpen – pero joke lang. tumawag yung isa naming opismate ng security at pinalayas sa opisina namin. Habang ineescort siya ng security ay walang tigil ang pagbabanta niya na isusumbong kami sa pulis. On what grounds???? Na hindi namin siya inabisuhan na hindi siya pwedeng magdecide kung san airport niya gustong pumunta? Na hindi namin siya naabisuhan na hindi nagcacarlift ang mga piloto ng jazeera? O baka naman hindi namin siya naabisuhan na pwede mong ma-miss ang flight mo kung paiiralin mo ang katangahan sa buhay?
Henako…… isa siyang lebanese. Yun lang.

You Might Also Like

No Comments

Leave a Reply

CommentLuv badge

%d bloggers like this: