Random Musings

disclaimer (reposted from multiply account)

October 14, 2008

hindi naman kasi talaga ako masamang tao, pramis! tanong niyo sa nanay ko. weeeehhhhh. hehehe. pero sa totoo lang, maldita ako minsan at pintasera. hindi naman ako perpekto alam ko din yun, kung may mag-cocorrect man ng grammar ko ay ok lang din. actually, ako mismo ang nakakapansin na may mga incorrect grammar din ako sa mga blogs ko pero tinatamad lang akong i-edit, kung hindi naman masyadong big deal at pwedeng sabihin na typographical error lang ay hindi ko na pinapalitan. pero kung sobrang kahihiyan ang mali ay pinapalitan ko. ehehehe. anyway, ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung baket sa dinami dami ng mga tao sa mundo ay laging ako ang nakaka-encounter ng mga kwelang episodes. ako pa na pintasera talaga.

katulad na lang kanina, pumasok yung isang empleyado ng kabilang shop dito sa office namin at nagtanong: “miss, pwedeng pahingi ng kokomban?” akala ko ay nagkamali lang ako ng pagdinig sa kanya kaya pinaulit ko “ano yun ate?” – “kokomban miss, kokomban”. walastoken talaga, talagang isang malaking pasakit sakin ang pigilin ang tawa sa harap niya. nagtataka ang mga kaopisina ko na puro ibang lahi kung baket tawa ako ng tawa pagkaalis niya.

henako, pasensya na…. pero may topak lang talaga ako. at meron akong sinusubaybayan talaga na profile sa myspace dahil to the highest level talaga ang blogs niya. everytime na may bago siyang post ay napaliligaya niya ako. shet! ang sama sama ko talagang tao…. deads!

You Might Also Like

No Comments

Leave a Reply

CommentLuv badge

%d bloggers like this: