Expat Life in Dubai

Bagong Bayani

January 31, 2009

Meron akong nabasang blog kanina. Interesting sobra. Sa sobrang interesting niya ay hindi tungkol dun ang isusulat ko, medyo related lang. Hehehe. Meron kasing nagcomment na – “ang mga Pilipino nga naman, nakapunta lang ng ibang bansa ay kala mo nang kung sino kung umasta”. Tinamaan ako ng bonggang bongga dito at bigla kong naitanong sa sarili ko kung nagbago ba ako? Parang hindi naman, otherwise sasabihan ako ni Cai, ang kaibigan kong gulpi-de-gulat sa mga fearless-straightforward-comments niya sakin.

Pero isa lang ang naisip ko, baket ba kapag naging OFW ka na (eto ay pang-Pinoy lang ha? wag eepal ang ibang lahi dahil hindi kayo kasali, as if maintindihan nila ang blog?) eh para bang buong extended family mo pati mga friends mo ay nageexpect na may pasalubong ka sa kanila pag umuwi ka? Parang required yun pag umuwi ka? Tapos kapag wala kang dala or wala kang inabot na kahit magkano sa kanila ay sasabihin nila sayo na nagbago ka na, nakarating ka lang ng ibang bansa. Weh??? Drama? Mga nagagawa talaga ng telenovela.

Nung umuwi ako, kakarag karag ang maletang dala ko. As in wala akong pasalubong na dala. Sabi nga ng roomate ko ay ako lang daw ang umuwi sa Pinas na walang laman ang maleta tapos pagbalik ng Dubai ay naguumapaw na ang maleta. Kasi matigas ako. Ang inuwian ko lang ay yung mga malalapit sa puso ko. Tapos yung extended family ay deadma lang ako. Hehe. Merong isang extended family (hindi pwedeng magbanggit ng pangalan!!! hehehe) na nagrerequest sakin ng pabango bago ako umuwi. Naisip ko naman, baket ko siya bibigyan eh hindi naman kami close? Wala naman siyang naidulot na maganda sa buhay ko. Hehehe. Tapos nung nasa Pinas na ako ay para bang nakatanghod siya sakin at iniintay ang pabango niya? Weh?????

Hindi sa nagmamataas ako. Hindi yun ang dahilan. At lalong lalo nang hindi ako nagmamayabang dahil wala akong pwedeng ipagmayabang. Ang point ko lang ay nasa ibang bansa ako para magtrabaho, para kumita ng mas malaking pera kumpara sa kikitain ko sa pinas at katulad sa Pinas, ang pera sa ibang bansa ay hindi napupulot lang. Buwan buwan dumadating yan sa bank account mo at within that period eh kelangan mong pagsilbihan ang kumpanya bilang kapalit. Siyempre naman, give and take yan. Merong kapalit ang pera, hindi pwedeng nakita mo lang siyang isang kumpol na nakahambalang sa dadaanan mo. Feeling mo bertdey mo?

O sige, sabihin na nating fortunate nga ako at nagtatrabaho ako sa ibang bansa. Pero fortunate ako dahil gumawa ako ng paraan para makarating kung nasan ako ngayon. Hindi ako nagising na lang isang araw at nasa Dubai na. Nagsikap akong mag-aral para makakuha ng magagandang grades (weh???? reminiscing ito?) at dahil jan ay nakapasok sa mga magagandang kumpanya sa pinas na naging dahilan ng pagkakaron ko ng maganda at “valuable” experience sa CV ko na naging dahilan din sa pagkakatanggap sakin dito sa Dubai. Walang “backer” na tumulong sakin, wala akong ginawang “bribery” sa kung sino man, sariling sikap lang talaga – naghintay ako ng matagal bago ako tinawagan at nung natanggap ko ang tawag ay tuloy tuloy na ang grasya (to which am very thankful). Ngayon, kung masyado kang bitter at ikaw ay naluluklok pa din sa sinuklubang bansa ng Pilipinas eh hindi ko kasalanan yan. Dapat maging maabilidad tayong lahat para makamit ang nais makamit. Kelangang magkaron ng mga pangarap sa buhay, dahil kung wala kang pangarap – walang mangyayari sayo. I have nothing against sa bansa ko, kahit anong mangyari ay Pinoy pa din ako. Pero wala sa Pilipinas ang makakatulong sakin para makamit ang aking mga pangarap – nandito sa Dubai. Hehehehe.

Ok fine, nakikita niyo malamang sa friendster/myspace/multiply ko na kung san san ako nakakarating at gimik ever lang ang pinaggagagawa ko dito. Yan ang bonggang bongga niyong pagkakamali.

“Ang buhay ni Noemi sa Dubai”

Ang pasok ko ay madalas na 6days a week. Gigising ako 2hours bago ang start ng trabaho ko, magluluto ng almusal at baon (usually hotdog or bacon or ham or sardinas or tocino yung mga madadali lang lutuin), maliligo, magbibihis at magiintay ng bus sa bus stop. Baket kasi hindi pa kumuha ng lisensya? Walang time para sa driving lesson dahil hindi naman honored ang Philippine license dito, kaya kelangan ay umattend ka ng driving lesson nila. Eh hindi aakma sa working sched ko. Anyway, so abang ng bus para tipid, hindi pwedeng taxi dahil ang metro ng taxi dito ay every 10 steps yata. Pag summer, hindi ako naguuniform agad dahil for sure pag nag-uniform ako agad ay by the time na makarating ako sa office ay pwede ko nang pigain ang blouse ko dahil sa pawis. Pagkatapos ng trabaho, intay ulit ng bus pauwi. Ligo, bihis, chat ng konti at tulog.

Ngayon, kung sino mang poncio pilato ang magmamatapang na sabihin sakin na kakayanin nila ang araw araw na ganitong buhay na walang gimik paminsan ay masasabi kong isa kang…. Isa kang….. Loner??? hehehe. Ang mga gimik naman namin ay most of the time, 2-3 drinks lang. Minsan nga ay isa lang ang nabibili namin at hindi kami masyadong pumupunta sa mga may entrance. Hahaha. PAminsan lang, pag feeling namin ay bertdey naming 3. Yung mga magagandang damit na suot ay katas ng Divisoria at Greenhills, dahil sinasabi ko sa inyo – ang mga damit dito sa Dubai ay mga walang kwenta. Ang mamahal at kepapanget pa. Asa pa kayo na maganda eh sinasakluban lang naman nila ng itim na tela yun dito di ba? Yung mga gala ko sa ibang lugar ay libre lang naman ang ticket ko dun at tumira sa mga pipichuging hotel na parang isang alikabok na lang ang iniintay para gumuho ang buong building na yun. Ang cellphone/laptop at iba pang electronics na pagaari ko dito ay – hindi naman kasi katulad ng Pilipinas ang Dubai na ang nagdidikta ng social status mo ay kung anong model ng cellphone ang meron ka. Tsaka mura lang kasi ang electronics dito, kaya mong bumili ng isang swelduhan lang – yun nga lang, hindi kakain ng masarap sa loob ng 2 linggo. Hehehe.

Basta ang puno’t dulo lang naman ng blog ay hindi porke’t nasa ibang bansa eh required na maging mayaman pagdating ng Pinas. At katulad din naman sa lahat ng bansa – ang pera ay pinaghihirapan. Baket ba kasi ganun ang mentalidad ng mga Pinoy? Ganun din ako datieh, kaya para sakin talaga ang blog na’to. Hahaha. Dati yun noh? Hindi na ngayon. Dati ay every month ay nakatanghod ako sa nanay ko para sa padala niya at every Christmas ay hindi na magkandaugaga sa pagikot ang pwet ko sa kakaintay ng package galing sa merika. Inutil na inutil ang dating ko? Hahaha. Ngayon, sinasabi ko na din ang paulit ulit na sinasabi sakin ng nanay ko dati – “Magtipid, hindi napupulot ang pera”.

Pag ako nagkaanak ang maipapayo ko lang sa kanya ay – “pag tuesday ka lang pwedeng lumabas, ladies’ night yun. 2 free drinks before 12am”

hekhekhek.

bow

You Might Also Like

No Comments

  • Reply gie February 11, 2009 at 12:18

    ang haba pero nag enjoy ako. hehe.. 😉 hindi naman siguro nagbago, iniisip lang nila na mayaman ka na kasi may trabaho ka, sa ibang bansa pa.

    may kaibigan ako flight stewardess sa UAE, nung umuwi sha nung fiesta, nakahanay na yung mga namamasko. PASKO?!!!! January 15 na kaya nun. ayun, nagpatakas sha sakin kahit pa maipit ang sasakyan sa trafik.

    nakakatawa pero nakakaawa din. wala kasi shang pera nun. kakabigay nya lang sa parent nya.

    ayan,, napahaba din ang comment ko, para ng blog post. sige, ingat na lang jan.. 😉

  • Leave a Reply

    CommentLuv badge

    %d bloggers like this: