Random Musings

Agam Agam

December 11, 2008

Gusto ko lang isambulat at nararamdaman ko ngayon, eh p*tangina kasi. pero bago ang lahat lahat, nais ko lamang sabihin na dapat ay nasa Maroon 5 concert ako ngayon, kaso lang nagkaron ng problema sa sched at kinakailangan ko biglang mag-afternoon shift. shet na sobrang lagket, kaya yun – maroon 5 na, naging bato pa.anyway, eto ang dilemma ko. sobrang saya ko ngayon. as in sobra sobrang saya. sa sobrang saya ay nakakatakot na dahil sa takbo ng buhay ko, alam kong hindi pwedeng forever ang saya ko. more often than not, magkakaron ng kakaibang ihip ang hangin. ang pinangangamba ko ay baka hindi ko kayanin ang pagiiba ng ihip ng hangin at biglang akong sumubasob sa putikan. shoot!

ewan ko ba, pero iba kasi siya eh. or baka naman imahinasyon ko lang to? text galore siya sakin, email galore din siya sakin. tapos lagi niya ako niyayaya lumabas eversince we started dating. halos araw araw na kaming magkasama. minsan, ako na ang sumusuko at tumatanggi sa mga invites niya dahil ayokong magsawa siya agad. henako! iba siya, yun lang. masaya. ang saya saya. tapos isang beses ay inaantay ko siya sa isang lugar eh nasakin ang cellphone niya. siyempre, umandar na naman ang pagiging pakialamera ko. so tiningnan ko ang inbox niya. wahahahaha. puro pangalan ko lang ang laman. literal na 98% ng inbox niya ay pangalan ko lang ang andun. merong paisaisang pangalan ng babae pero hindi ko na tiningnan kung ano man ang message dahil just seeing na punong puno ng pangalan ko ang cellphone niya is enough for me to feel ok. well, more than ok. besides, halos araw araw na nga kaming magkasama pano pa siya magkakaron ng time sa iba? weh! do i sound like am convincing myself? haha! ewan ko ba. basta, masaya lang. pinakilala niya ako sa friends niya as girlfriend, pero i never dared ask him about it. basta, ride along lang ako. ayokong tanungin siya kung mag-jowa na ba kami talaga or front lang niya yun sa mga kaibigan niya? henako!

ang catch lang dito, aalis na siya. magbabakasyon at hindi sure kung babalik ba siya sa dubai o hinde. aysusmaryanonggalapong! sabi niya baballik siya, pero parang hindi ako kampante. feeling ko hinde. pero sabi niya babalik siya at para maging kampante ako ay iiwan niya sakin yung ibang damit niya. wahahahaha. kamusta naman yun? ewan ko, is this it???? ayokong magtanong eh. pwedeng pakitanong na lang siya?

eto pa ang kakaibang nagaganap sa buhay ko ngayon – si kras, oo si kras na kras na kras ko dati at pinilit kong limutin (weh! drama!) ay biglang nagpapalit-anyo. sabi niya after nung last na pagkikita namin ay nalimutan daw niya kung gano ako kasaya kasama at ngayon lang daw niya narealize na gusto niya pala ako. eh p*tangina!!!!! ano bang gusto niyang mangyari????? hindi ko alam kung anong trip niya. kung kelan naman ok na ako, tsaka pa siya nagpapacute jan. lumabas kami at etong last ng labas namin ay sobrang naninibago ako sa kanya dahil pasweet ang kumag. kaso, hindi na ako kinikilig eh. ang gulo ko din eh noh? eh kasi naman mga chong at chang, bago ako nakapagmove on sa kumag na yun ay sobrang hirap. and now na nagawa ko na, tsaka pa siya magiinarte jan? henako! badtrip siya. nabwisit ako sa kanya.

anyway, yun lang. sana bumalik si loverboy……. 🙁

You Might Also Like

No Comments

  • Reply jan2x April 25, 2009 at 06:29

    ba2lik pa un..

  • Leave a Reply

    CommentLuv badge

    %d bloggers like this: